WebClick Tracer

Tatay suportado mga anak na certified ‘Carats’

Kinaaliwan online ang isang tatay na suportado ang kanyang mga anak na dalaga na certified “Carats” sa pag-unbox ng Seventeen (SVT)’s “17 Is Right Here” album.

Sa TikTok video ng username na si “youkodc”, makikita ang tatay at mga anak nito na pinapakita ang mga photocard na kung saan featured ang mga miyembro ng Seventeen.

@youkodc making our dad unbox our first (1 of 4) 17 is right here album dear ver. @SEVENTEEN legal na tayo sa ama ko!! ps. no dads were harmed in the making of this video, pero sumakit tenga niya pps. @CNA Philippines thank you sa pagpapauwi ng mga mag-jowa 🫶🏼 #seventeen #carat #17isrighthere #seventeenbestalbum #scoups #jeonghan #joshua #jun #hoshi #wonwoo #woozi #the8 #mingyu #dokyeom #seungkwan #vernon #dino ♬ original sound – uri yoo

Kilig na kilig ang mga anak nang ipakita na ang mga bias nila sa K-pop group.

Samantala, makikita naman ang gulat sa reaksiyon ng tatay.

“[M]aking our dad unbox our first (1 of 4) 17 is right here album dear ver. @SEVENTEEN legal na tayo sa ama ko!! ps. no dads were harmed in the making of this video, pero sumakit tenga niya,” saad sa caption.

Aliw naman ang mga netizen sa video at napa-comment pa.

“He’s judging you so hard 😭”

“ang swerte ng kamay ni father”

“HAHAHAHAHAHAHAHASHA KAHIT ILANG BESES KO ULIT ULITIN, TAWANG TAWA PA RIN AKO PLEASE LANG!!! 😭”

“HAHAHAHAHAHA si dad mo yung napull, hindi yung pcs 😭😭😭”

“ate, sorry na tatawa ako sa reaction ni papa every time na kinikilig ka pasigaw huhu 😩”

(VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on