WebClick Tracer

Panawagan ni PBBM sa 2024 PMA graduates: Magsakripisyo sa bayan, protektahan teritoryo ng bansa

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga bagong graduate ng Philippine Military Academy (PMA) na magsakripisyo para sa bansa sa kinakaharap na mga banta sa pambansang teritoryo at sa mga naghahangad na hatiin ang sambayanang Pilipino.

Ginawa ng Pangulo ang panawagan sa kanyang talumpati sa graduation ceremony ng PMA “Bagong Sinag” Class of 2024 sa Fort General Gregorio Del Pilar sa Baguio City.

Sinabi ni Marcos na dedepensahan ng gobyerno ang soberanya ng bansa.

“We will vigorously defend what is ours, but our conduct always guided by law and [by] our responsibility as a rules-abiding member of the community of nations,” anang Pangulo.

“What we are facing now are a blatant disregard of internationally accepted principles and deployment of weapons of mass destruction by parties who seek to drive a wedge between a united citizenry,” aniya pa.

“But people are not fooled. They can see through such schemes. So, these attempts to divert our attention, dissipate our energy better spent on making the country should not draw us away from the urgent tasks ahead. And that is to keep our people safe in their homes, our territory secure, our defenses against threats strong, and our democracy stable,” saad ni Marcos.

Kasunod ang panawagan ng Pangulo ng mga ulat na nagsasabi na ang China ay naglabas ng isang regulasyon na nagbibigay ng kapangyarihan sa coast guard nito na pigilan ang mga dayuhang dumadaan sa South China Sea.

Sinabi ni Marcos sa mga nagsipagtapos na ang pagsusundalo ngayon ay hindi na limitado sa pagtatanggol sa mga teritoryo, ngunit upang mapabuti ang buhay ng mga taong naninirahan sa bansa.

Ayon pa sa Pangulo, ang pagsisikap na i-destabilize ang gobyerno ay bahagi umano ng “birth pains” sa pagtataguyod ng mga pagbabagong hinahangad ng kanyang administrasyon.

“This a time of birth pains—sadly, of opportunism, blatant attempts of destabilization, and last-ditch to cling to the rapidly disappearing past. But we must be resolute. We must hold on. We cannot turn back,” ani Marcos.

Matatandaan na nitong unang bahagi lang ng buwan, sinabi ni dating senador Antonio Trillanes IV na ang mga retiradong at aktibong matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ay sangkot sa recruitment ng mga miyembro sa isang ouster plot laban kay Marcos. Sinabi ni Trillanes na sinubukan ng mga opisyal ng PNP na mag-recruit ng mga miyembro mula sa AFP.

Gayunpaman, sinabi ni Marcos na walang ulat na may mga aktibong opisyal ng pulisya na nagbabalak na patalsikin siya sa kapangyarihan. Ang mga nagretiro na sa serbisyo sa pulisya ay maaaring maging bahagi ng balangkas, sabi ni Marcos, kung ito ay talagang kumikilos.

Samantala, ma kabuuang 278 kadete ang nagtapos sa PMA ngayong taon. Sa bilang na ito, 224 ang lalaki at 54 ang babae.

Gayunpaman, ang pinakamagagandang nagtapos ng klase sa taong ito ay pinangungunahan ng mga kababaihan, na nakakuha ng pito sa nangungunang 10 puwesto.

Si Cadet 1st Class Jeneth Elumba, ang valedictorian ngayong taon, ang ikapitong babae na nangunguna sa PMA graduating class. Si Elumba ay isang anak ng magsasaka na nagmula sa Surigao City. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on