WebClick Tracer

Nawawalang PWD, natagpuan sa Antipolo

Isang nawawalang person with disability (PWD) sa bayan ng Morong sa Rizal ang tuluyang natagpuan sa Antipolo City noong Huwebes.

Ayon kay Antipolo City Mayor Jun Ynares, hinahanap ni Merilyn Grande ang kaniyang anak na si Rey, na naiulat na nawawala matapos pumunta sa bahay ng kaniyang tiyahin.

Sinabi ni Grande na ang kaniyang anak ay isang PWD na dumaranas ng mental delay dahil sa epilepsy.

Si Rey naman ay natagpuan sa Brgy. Macamot, Binangonan, Rizal ng isang barangay staff. Dinala siya sa Antipolo City Hall para humingi ng tulong.

Dito na muling nagkita ang mag-ina sa City Hall. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on