WebClick Tracer

Mika Dela Cruz, Nash Aguas ikinasal na

Ikinasal na ang aktres na si Mika Dela Cruz sa kanyang longtime boyfriend na si Nash Aguas nitong Sabado, Mayo 18 sa Tagaytay.

Sa Instagram account ni Mika, ibinahagi niya ang isang larawan sa kanyang social media account kung saan makikita siyang nakasuot ng eleganteng wedding gown.

“Walking towards my God-sent, my Love, and my forever.” saad niya sa kanyang caption.

May hashtag din itong, “#NASHakanyanasiMIKA”

Matatandaan na matagal nang isinapubliko nina Mika at Nash ang kanilang relasyon. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on