WebClick Tracer

Lalaking wanted nadakip habang kumukuha ng police clearance

Isang 47 taong gulang na lalaki na wanted sa panggagahasa ang nadakip habang nasa proseso ng pagkuha ng police clearance sa Mangatarem Police Station sa Pangasinan.

Ang pangalan ng suspek ay nakakuha ng hit sa National Police Clearance (NPC) system.

Sa pag-verify, mayroon pala itong warrant of arrest para sa tatlong bilang ng statutory rape na inisyu ng Family Court, Third Judicial Region, Branch 9, San Fernando City, Pampanga.

Ang suspek ay dinala sa kustodiya ng Mangatarem Police Station at dadaan sa mga kinakailangang legal na proseso alinsunod sa batas. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on