WebClick Tracer

Higit P4.7 milyong droga nadakma sa Maynila

Iniulat ng Manila Police District (MPD) nitong Sabado ang pagkakaaresto sa isang 30 taong gulang na babae at nakumpiska ang P4,760,000 na halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila.

Nadakip ang suspek sa kanto ng Soler Street at Rizal Avenue sa Sta. Cruz sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng MPD Station 11.

Nakumpiska ng mga pulis mula sa suspek ang dalawang sachet at dalawang transparent plastic ice bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na nasa 700 na gramo.

Ayon sa pulisya, sangkot ang suspek sa malawakang transaksyon ng droga sa mga lugar sa Binondo at Sta. Cruz.

Ang naarestong suspek ay nakakulong na ngayon sa MPD Station 11 at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Republic Act No. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on