WebClick Tracer

Gazini Ganados tinuldukan tsikang magdyowa sila ni Gab Lagman

Tinuldukan na ng beauty queen na si Gazini Ganados ang mga bali-balitang mag-boyfriend sila ng aktor na si Gab Lagman.

Sa panayam kay Gazini ng isang online news outlet, sinabi niyang single siya.

“I am currently working on myself right now, and yes, I am single,” aniya sa isang panayam.

“But I am still out of the market because I just want to focus on myself in exploring my talent, especially in this craft,” dagdag pa ni Gazini.

Sinabi niya naman na “self care” muna siya ngayong taon at wala pang planong makipagrelasyon.

“It is a bigger platform that you really have to focus talaga. So I am into self-care this year.” saad ng beauty queen.

Nang matanong tungkol kay Gab na lagi niyang kasama, sinabi niyang close friend niya lang ito.

“Gab is a very close friend of mine, of course I am also allowed to hang out with my friends,” aniya pa.

Kumalat ang bali-balitang magkasintahan ang dalawa nang maispatan silang magkasama sa iba’t ibang events na kung saan makikita ang sweetness nilang dalawa. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on