WebClick Tracer

DILG hinimok Ombudsman na suspindihin si Mayor Alice Guo

Inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Ombudsman ang preventive suspension kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, ayon kay Secretary Benhur Abalos noong Biyernes.

Sa isang pahayag, sinabi ni Abalos na lumikha ang DILG ng task force upang tingnan ang kaugnayan umano ni Guo sa mga ilegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operation sa kaniyang bayan.

Sinabi niya na ang task force ay nagsumite ng kanilang ulat sa Ombudsman noong Biyernes.

“The DILG recommended to the Ombudsman the issuance of a preventive suspension against Mayor Guo, to prevent any influence on the continuing investigations of our and other agencies,” ayon kay Abalos.

Matatandaang nauna nang kinuwestyon ni Senadora Risa Hontiveros ang pagkakakilanlan ni Guo.

Ginisa ito dahil walang maipakitang opisyal na rekord upang patunayan na siya ay isang Pilipino. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on