WebClick Tracer

Deniece Cornejo maaari nang tumanggap ng mga bisita sa CIW

Maaari nang tumanggap ng mga bisita sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong si Deniece Cornejo.

Si Cornejo ay isa sa mga hinatulang guilty kaugnay sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong Navarro.

Maaaring tumanggap ng mga bisita si Cornejo simula noong Mayo 17 sa CIW Reception and Diagnostic Center (RDC).

Nauna nang sinabi ni Corrections Senior Inspector Marlon Mangubat, pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) Public Information Office, na maaaring tumanggap ng mga bisita si Cornejo matapos ng 15 na araw sa RDC. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on