WebClick Tracer

Darren Espanto ibinida pagiging maskulado habang nasa Japan

Patok na patok sa mga netizen ang ‘macho’ post ni Darren Espanto habang ito ay nasa Japan.

Sa bagong Instagram post ng singer at aktor, makikita ang maskuladong katawan ni Darren habang umaawra ito sa nasabing lugar.

“Work trip na may konting bakasyon.” sey ni Darren.

Pinusuan naman ng mga netizen ang ‘macho’ post ni Darren:

“So gwapo and macho!! Bagay na bagay ang get up!! Ang lakas ng dating ng aming poging turista sa Japan!!”

“Apaka gwapo at macho ng aming binata!!”

“Certified hottie!! Ang gwapoo mo D!!”

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on