WebClick Tracer

Cebu ilalagay sa state of calamity

Isinailalim na ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia ang lalawigan sa state of calamity dahil sa matinding init at matagal na epekto ng El Niño phenomenon.

Nakatakdang maglabas si Garcia ng executive order para sa deklarasyon, na susundan ng resolusyong nakatakdang ipasa ng provincial board sa susunod na linggo.

Iniulat ng Provincial Agriculturist Office of Cebu na nasa P176.8 milyong halaga ng mga pananim at aquafarm ang napinsala sa ngayon sa lalawigan dahil sa El Niño.

Ang damage assessment na iniulat ng PAO ay ang ulat mula sa 32 na local government units sa lalawigan noong Mayo 16.

Lumalabas din sa data na 12,312 na mangingisda at magsasaka na ang naapektuhan.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on