WebClick Tracer

Binatilyo dedo matapos makuryente sa Negros Occidental

Nasawi ang isang 14 taong gulang na lalaki matapos makuryente sa Cadiz City, Negros Occidental noong Biyernes.

Sinabi ni Police Lt. Col. John Joel Batusbatusan, hepe ng Cadiz police, na natagpuang walang malay ang biktima habang nakasabit sa mga wire ng konkretong poste ng kuryente.

Tumagal pa ng nasa 40 minuto para maalis ng mga rescuer ang biktima. Sinabi ni Batusbatusan na idineklarang patay sa ospital ang biktima.

Narekober sa biktima ang isang pares ng pliers ngunit hindi masabi ng pulisya kung bakit dala nito ang nasabing gamit.

Dahil hindi ito krimen, sinabi ni Batusbatusan na hindi na nila aalamin ang iba pang detalye ng kaso kabilang na ang dahilan ng pag-akyat ng biktima sa poste ng kuryente. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on