WebClick Tracer

Babaeng bibili lang ng sigarilyo, dedo sa pamamaril

Isang babae sa Cebu City ang binaril habang ito ay naglalakad upang bumili sana ng sigarilyo.

Naisugod pa sa ospital ang 47 taong gulang na biktima at nakapagsabi pa sa mga imbestigador tungkol sa pamamaril.

Ngunit namatay ito makalipas ang mahigit na walong oras matapos siyang barilin.

Sinabi ng pulisya na kilala ng biktima ang suspek.

Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng kasong murder laban sa gunman at sa kaniyang kasamahan. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on