WebClick Tracer

Anne-Marie babalik sa Pilipinas

Babalik sa Pilipinas ngayong taon si Anne-Marie para sa isang concert.

Magpe-perform ang singer-songwriter sa Setyembre 28 sa The Podium Hall sa Ortigas Center, Mandaluyong City.

Unang idinaos ni Anne-Marie ang kaniyang concert sa Pilipinas noong Oktubre 2022 bilang bahagi ng kaniyang ‘Dysfunctional’ tour.

Ang nasabing artist ay may tatlong album na sa ngayon, ang ‘Speak Your Mind’ noong 2018, ‘Therapy’ noong 2021 at ‘Unhealthy’ noong 2023. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on