WebClick Tracer

Abante Horoscope | May 19, 2024 Linggo

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Linggo, May 19, 2024.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Marami talagang bagay ang hindi madaling ipaliwanag, kabilang na ang feelings mo sa kanya. Hayaan na muna ang lahat na mangyari sa tamang panahon. Lucky color: Red, lucky number: 2.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ngayon na ang panahon para mag-decide ka sa kung sino ang pipiliin mo sa dalawang taong malapit sa puso mo. Lucky color: Brown, lucky number: 6.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kung talagang mahal mo siya, huwag mo lang basta ito ipakita dapat sabihin mo rin sa kanya. Lucky color: Pink, lucky number: 4.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Bilisan ang kilos, dahil sa pagdadalawang-isip mo ay baka makawala na ang swerte sa mga kamay mo. Lucky color: Blue, lucky number: 3.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Tama lang ang ginawa mong pagkompronta sa kanya para hindi na siya umasa, nasa sa iyo na lang ngayon kung tuluyan ka nang iiwas. Lucky color: Violet, lucky number: 12.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Tanggapin ang rejection na ibibigay sa iyo, magagamit mo ang experience na ito para sa susunod pang mas malaking oputunidad. Lucky color: Red, lucky number: 1.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Makakatanggap ng pera mula sa isang kamag-anak, magpakita ng pasasalamat sa kanya para makaulit ka. Lucky color: Yellow, lucky number: 5.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mapapsubo ka sa isang sitwasyon na hindi mo gusto kung hindi mo direktang sasabihin ang ayaw at mga gusto mong mangyari. Lucky color: Blue, lucky number: 3.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Tandaang mabuti kung sino ang mga taong tumulong sa iyo sa panahong nahihirapan ka, sila ang mga dapat mong samahan ‘pag nagtagumpay ka na. Lucky color: Brown, lucky number: 9.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Huwag maging maluwag sa paghawak ng pananalapi dahil meron talagang mga tao ang mapagsamantala. Lucky color: Green, lucky number: 16.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – I-relax ang katawan at isipan. Hindi ka dapat na makipagsabayan sa kanilang lahat dahil may sariling time ang bawat isa. Lucky color: Green, lucky number: 6.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Sa panahon ngayon, meron pa ring mga tao na dapat mong pagkatiwalaan, huwag maging man hater dahil lamang sa isang lalaki. Lucky color: Grey, lucky number: 11.

TELETABLOID

Follow Abante News on