WebClick Tracer

Teacher namigay ng tsinelas sa mga estudyante sa bundok

Sinaluduhan ng mga netizen ang isang guro na binigyan ng libreng tsinelas ang mga estudyanteng nag-aaral sa bundok.

Ibinahagi ng Facebook page Jerics Channel ang video ni Teacher Jeric habang nakatayo sa entrance ng isang school.

Nang dumating ang mga estudyante, tinanong isa-isa ang mga ito kung anong grade na sila at saka binigyan ng branded na tsinelas.

Ipinakita rin sa video ang mga sira nang tsinelas na gamit ng mga estudyante.

Narito ang comment ng ilang netizen na humanga sa kabutihan ni Teacher Jeric.

Cherry Jerusalem-Boyce: “You are awesome, sir. Salamat.”

Kris Ball: “Amazing for you to do those act of kindness to the students!! Saludo po ako sa inyo!!” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on