WebClick Tracer

‘Pinas bibili ng 5 Japan-made coast guard patrol ship

Sa gitna ng lumalaking tensiyon sa West Philippine Sea, bibili ang Pilipinas ng limang coast guard patrol ship mula sa Japan sa pamamagitan ng P23.85-billion deal na nilagdaan nitong Biyernes, Mayo 17.

Magpapahiram ang Japan sa Pilipinas ng 64.38 billion yen para mabili ang limang 97-meter Multi-Role Response Vessels.

Nilagdaan ang loan agreement nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Ambassador Endo Kazuya.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang mga patrol ship na ito ay makakatulong para sa pagpapabuti sa kakayahan ng Philippine Coast Guard para sa maritime operations partikular na sa pagtugon sa transnational crimes. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on