WebClick Tracer

Lalaki arestado dahil sa ilegal na pagbebenta ng baril

Inaresto ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaki dahil sa ilegal na pagbebenta nito ng baril sa Quezon City.

Sinabi ng pulisya na ang suspek ay naaresto sa Austin St. sa Brgy. Greater Fairview, Quezon City.

Nahuli ang suspek matapos magbigay ng impormasyon ang isang concerned citizen sa kaniyang ilegal na pagbebenta ng baril.

Isang pulis, na nagpanggap bilang buyer, ang matagumpay na nakabili ng submachine gun na nagkakahalaga ng P9,000 mula sa suspek.

Mahaharap si Castillo sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

TELETABLOID

Follow Abante News on