WebClick Tracer

Darren Espanto sasalang bilang Star Patroller sa ‘TV Patrol’

Inanunsyo ng singer at aktor na si Darren Espanto na masisilayan siya sa ‘TV Patrol’.

Sa Instagram post ni Darren, sinabi nito na sasabak siya bilang Star Patroller sa nasabing programa. Ang nasabing pagsalang ay gaganapin nitong Biyernes ng gabi.

Hirit pa ni Darren, nakakaramdam na siya ng kaba.

“Mamayang gabi na po! Kinakabahan na ako!”

Todo abang naman ang mga netizen sa pagsalang ni Darren:

“We are beyond thrilled to watch you try your hand at news broadcasting. All the best, D! We love you!”

“Goodluck Darren… excited kami makita kung paano ka magnews report hehehe… kaya mo yaaann!!!”

“Ang aminhg pinakagwapong TV Patrol Star Patroller ! Yieeee..love youu D!! Goodluck later!! Kayang kaya mo yan!! Ikaw pa ba?!”

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on