WebClick Tracer

3 most wanted person, nadakma ng Rizal police

Tatlong katao na tinaguriang most wanted sa Region 4-A at Rizal Province ang naaresto noong Mayo 15.

Nakalista bilang isa sa most wanted person sa Calabarzon para sa qualified statutory rape si alyas ‘Joma’, na nahuli ng mga operatiba ng Rodriguez Police Station.

Sa Antipolo City, si alyas ‘Peet’ na nahaharap sa kasong panggagahasa ay kinulong din ng mga pulis noong Miyerkoles.

Habang sa Tanay naman ay naaresto ang isa sa most wanted person sa lalawigan ng Rizal na si alyas ‘Edgar’ dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on