WebClick Tracer

Xian Lim dadalo sa Cannes Film Festival

Dumating na ang actor-director na si Xian Lim sa France para dumalo sa Cannes Film Festival.

Sa Instagram account ni Xian, ibinahagi niya ang ilang mga larawan sa kanyang trip sa Cannes.

Nag-post si Xian ng litrato niya sa harap ng isang bangka. Sa kanyang Instagram Stories naman, ibinahagi rin niya ang isang video niya sa loob ng isang sinehan.

Matatandaan na opisyal na binuksan ang 77th Cannes Film Festival noong Mayo 14.

Si Xian ay kasalukuyang aktor sa GMA Network na kung saan pinagbidahan niya ang seryeng “Love. Die. Repeat.”

Bukod sa pagiging artista, pinasok na rin niya ang pagiging direktor sa pelikula at telebisyon.

Sa kasalukuyan, gumagawa si Xian ng pelikulang pinamagatang “Kuman Thong” bilang direktor at manunulat na kung saan ang kanyang kasintahang si Iris Lee ang producer. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on