WebClick Tracer

Valenzuela public school 2024 grads, makakatanggap ng tulong pinansyal

Mahigit sa 16,200 na estudyante mula sa Valenzuela public schools ang nakatakdang makatanggap ng P1,500 cash incentive mula sa pamahalaang lungsod.

Inanunsyo ng local government unit na ang pera ay ibibigay sa bawat magtatapos na estudyante bilang tulong sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral.

Ang pamamahagi ng cash incentive ay mula Mayo 15 hanggang 27.

May kabuuang 16,252 na elementary at senior high school students mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan ng Valenzuela ang inaasahang magtatapos ngayong school year.

Samantala, ang mga honor student naman sa elementarya at senior high school ay makakatanggap ng karagdagang insentibo.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on