WebClick Tracer

Tatay ni Lassy, pumanaw na

Inanunsyo ng komedyanteng si Lassy ang pagpanaw ng kaniyang tatay.

Sa Instagram story ni Lassy noong Miyerkoles, humiling pa ito ng pagdasal para sa kaniyang tatay.

“Tulungan nyo po ako magdasal para sa tatay ko po. Kailangan ko po ngayon.”

Hindi naman na ibinunyag ni Lassy kung ano ang pinagdaraanan ng kaniyang tatay.

Sa sumunod na Instagram story, nagpaalam na si Lassy sa kaniyang tatay habang may kasamang larawan kung saan may hawak itong kamay.

“Paalam Dada ko. Mahal na mahal na mahal kita. Tatandaan ko mga huling habilin mo. Hanggang sa muli.”

Si Lassy ay komedyante at isa sa mga host ng programang ‘It’s Showtime’.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on