WebClick Tracer

Sa gitna ng hulihan sa unconsolidated jeepney: Manibela sinugod tanggapan ng LTFRB para magprotesta

Nagprotesta ang transport group na Manibela sa harap ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City sa gitna ng crackdown laban sa mga unconsolidated jeepney ngayong Huwebes.

Ayon kay Manibela president Mar Valbuena, dapat payagan ng LTFRB ang mga jeepney driver at operator na mag-operate kahit hindi sila nakapag-consolidate sa mga kooperatiba.

Nitong Miyerkoles lang ng sabihin ng LTFRB na na simula ngayong Huwebes sisimulan nang hulihin ang mga jeepney driver na nabigong mag-consolidate sa mga kooperatiba ngunit nagpapatuloy pa rin sa kanilang pamamasada.

Sinabi rin ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na ang mga operator na hindi nag-apply para sa consolidation ay maituturing nang ilegal at ang kanilang mga unconsolidated jeepney ay ituturing na kolorum.

Sinabi ni Guadiz na ang mga unconsolidated jeepney driver na makikitang bumibiyahe pa rin sa kanilang mga ruta simula Huwebes ay maaaring mapatawan ng isang taong suspensiyon, habang ang kanilang PUV ay maaaring makakuha ng P50,000 penalty at maharap sa 30-araw na pagkakakulong.

Samantala, sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) na nanatili ang sitwasyon sa kalsada sa Metro Manila “generally peaceful.”

Matatandaan na ang deadline ng consolidation ay noon pang Abril 30. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on