WebClick Tracer

PNP naglabas ng P7.6 bilyon para sa 2024 mid-year bonus

May kabuuang P7.6 bilyong mid-year bonus para sa 228,893 na Philippine National Police (PNP) personnel ang inilabas noong Miyerkoles, ayon sa PNP-Public Information Office (PIO).

Sinabi ng PNP-PIO na ang bonus funds ay nagmula sa 2024 national budget appropriations para sa police force.

“A total allocation of P7,629,893,993, as specified in the 2024 General Appropriations Act, has been credited to the Landbank ATM payroll accounts of eligible PNP personnel,” ayon sa inilabas na pahayag nitong Huwebes.

Samantala, ang bonus ng mga tauhan na may mga nakabinbing kaso o may parusa ay pinigil bilang bahagi ng patakaran sa pagdidisiplina ng organisasyon ng pulisya.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on