WebClick Tracer

Pinoy version ng ‘It’s Okay to Not Be Okay’ arangkada na

Ilo-launch na ang Philippine adaptation ng K-drama hit series na “It’s Okay to Not Be Okay”.

Kasunod ito ng matagumpay na Pinoy version ng “What’s Wrong With Secretary Kim” na pinagbidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Sa Instagram, nagbahagi ang ABS-CBN ng teaser para sa kanilang upcoming series.

“It’s Okay to wait, It’s Okay to be excited, and we’re here for it! Let’s talk about a new show this May 17,” sabi sa post.

December last year kasabay ng Christmas Special ng ABS-CBN, opisyal na inanunsiyo ang pagsasama nina Anne Curtis, Joshua Garcia at Carlo Aquino sa naturang teleseryeng nakatakdang lumabas ngayong 2024.

Pinagbidahan ng South Korean stars na sina Kim Soo Hyun at Seo Yea Ji ang “It’s Okay to Not Be Okay”. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on