WebClick Tracer

‘Pinas magiging host ng kauna-unahang Futsal Women’s World Cup

Inanunsyo ng FIFA na ang Pilipinas ang magiging host ng kauna-unahang Futsal Women’s World Cup na gaganapin sa 2025.

Kinumpirma ng FIFA Council ang pagho-host ng bansa sa 74th Congress ng federation na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Ang mga iba pang detalye tungkol sa hosting ng Pilipinas ay hindi pa ibinunyag ng FIFA.

Unang itinatag ng Council noong 2023 ang FIFA Futsal Women’s World Cup na may 16 na koponan na kalahok kabilang na ang host country.

Samantala, kasalukuyang nasa No. 61 ang Pilipinas sa Futsal Women’s Rankings.

TELETABLOID

Follow Abante News on