WebClick Tracer

PBBM tinulungan mga magsasaka, mangingisdang naapektuhan ng El Nino sa Northern Mindanao

Nag-abot ng tulong pinansyal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagkakahalaga ng tinatayang P50 million para sa mga magsasaka at mga mangingisdang naapektuhan ng matinding tagtuyot dulot ng El Nino sa Northern Mindanao.

Ang nabanggit na pondo ay ipinamahagi ng Pangulo sa mga lokal na opisyal ng Iligan City, Lanao del Norte at Misamis Occidental.

Bukod sa tulong ng Office of the President, nagbigay rin ng hiwalay na tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tig-P10,000 sa mahigit siyam na libong benepisyaryo sa Iligan City.

Kasama rin sa mga nagbigay ng tulong sa isinulong na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ang mga regional office ng Department of Trade and Industry, Technical Education and Skills Development (TESDA), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Health (DOH).

Nagbigay rin ng tig-limang kilo ng bigas ang lider ng Kamara sa mga naapektuhang residente ng Iligan City at Cagayan de Oro City. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on