WebClick Tracer

Paolo Contis umalma: Hindi ako adik

Nagsalita na si Paolo Contis matapos siya akusahang adik kaya nangayayat.

Ayon sa TV host-actor, hindi ang pagiging adik ang dahilan ng kanyang pagpayat.

Sinabi ni Paolo na nagpababa talaga siya ng timbang bilang preparasyon sa bago niyang movie na “Fuchsia Libre”.

“After ‘A Journey’ I had to lose weight for the role, this one, kaya tuloy-tuloy… kaya hindi po totoong adik ako. Hindi po totoong nag-aadik ako,” ani Paolo sa mediacon ng pelikula. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on