WebClick Tracer

Mga produktong probinsiya, i-selfie, I-post sa social media–PBBM

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga taga-Iligan City na i-promote sa social media ang kanilang mga produkto at specialty upang makilala ang mga ito bilang bahagi ng promosyon sa turismo.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Iligan City ngayong Huwebes para tingnan ang kondisyon ng mga mamamayan at mga lugar na matinding sinalanta ng epekto ng El Niño phenomenon.

Ayon sa Pangulo ,malaking bagay na i-post sa social media ang mga sariling produkto upang makilala at makuha ang interes ng mga turista lokal man o mga dayuhan.

“Dito sa Iligan alam kong sikat na pasalubong ang toasted peanut at palapa. Kung maroon kayo ng dala diyan, picturan nyo, mag-selfie kayo kasama ng produkto tapos I-post ninyo sa social media,” anang Pangulo.

Malikhain aniya ang mga Pilipino kaya marapat lamang na ipagmalaki ang mga lokal na produkto at serbisyo.

Tiniyak naman ni Pangulong Marcos Jr. ang suporta ng national government upang mapalakas ng turismo sa bawat rehiyon ng bansa na makakatulong sa hanapbuhay at buhay ng mga Pilipino. (Aileen Taliping )

TELETABLOID

Follow Abante News on