WebClick Tracer

Mga kaso laban sa pulis, driver sa Catherine Camilon case binasura

Dahil sa kawalan ng ebidensiya, ibinasura ng prosecutor ang kasong kidnapping at illegal detention laban sa pulis at driver nito kaugnay sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Ang pamilya ni Camilon ang nagsampa ng mga kaso laban kay dismissed Police Maj. Allan de Castro at sa kanyang driver-bodyguard na si Jeffrey Magpantay.

Sa isang resolusyon noong Abril 23, 2024, sinabi ng mga prosecutor na ang ebidensya ay hindi sapat upang iangat ang kaso laban sa mga respondent sa korte.

May pitong buwan nang missing si Camilon mula nang mawala siya noong Oktubre 12, 2023.

TELETABLOID

Follow Abante News on