WebClick Tracer

Meralco nagbabala vs trending ‘bill reveal challenge’

Nagbabala ang Manila Electric Co. (Meralco) sa mga gumagawa ng “bill reveal challenge” na trending sa social media.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ng Meralco ang mga potensyal na panganib na nauugnay sa pagbabahagi ng bill sa kuryente sa mga social media platform, dahil maaari raw nitong ilantad ang personal na impormasyon ng kanilang mga customer.

Partikular na binalaan ng Meralco ang publiko laban sa pagsisiwalat ng kanilang Customer Account Number (CAN). Idiniin nila ang pagiging kritikal ng pagprotekta sa naturang sensitibong impormasyon.

“Meralco underscores the importance of refraining from sharing CAN and other confidential information present on your Meralco bill, as scrupulous individuals could exploit these details,”saad ng Meralco.

“We urge everyone to exercise caution in what they share on their social media profiles. Meralco places high value on safeguarding the personal information of our customers,” dagdag pa nito.

Matatandaan na trending sa social media ang “bill reveal challenge” dahil sa taas ng konsumo ngayong tag-init. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on