WebClick Tracer

Marcos: Gobyerno nakahanap na ng solusyon para mapababa presyo ng bigas

May nahanap nang solusyon ang gobyerno kung paano mapababa ang presyo ng bigas sa pamilihan at hindi mamonopolya ng mga tusong negosyante.

Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harapan ng hinihintay na paglusot sa Kongreso ng inamiyendahang Rice Tariffication Law,

Sinabi ng Pangulo na maganda ang takbo ng isinusulong na pag-amiyenda sa RTL subalit ayaw aniyang panguhan ang bicameral committee .

“Mukhang mayroong magandang usapan ang House at saka ng Senado. Nakahanap na kami ng solusyon para makapag-import ang gobyerno para kaya natin pababain. Pagka mataas ang presyo ng bigas, magbebenta tayo ng mababa para sumunod ang merkado,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na iba ang magiging mekanismong nakita kaysa sa iminungkahi sa aamiyandahang batas subalit ang suma total at mag-aangkat ng bigas ang national government.

Gayonman, hindi masabi ni Pangulong Marcos Jr. kung anong ahensiya ang mangangasiwa o hahawak sa importasyon para magamit na mapababa ang presyo ng bigas sa bansa.

“Well I don’t want to preempt the bicameral commitee. So kahit papa no maybe the mechanism will be different from that which was proposed in the end, ang net effect, pareho pa rin, makapag-import ang national government,” dagdag ng Pangulo . (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on