WebClick Tracer

Manila LGU namahagi ng tulong pinansyal sa mga estudyante

Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga estudyante ng pampublikong paaralan sa lungsod noong Miyerkoles.

Kasama ni Lacuna-Pangan si Manila Department of Social Welfare Chief Re Fugoso at Vice Mayor John Marvin Yul Servo Nieto sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Educational Assistance Program (EAP) ng lungsod na ginanap sa San Andres Sports Complex sa Malate, Maynila.

Umabot sa kabuuang 1,663 ang mga tumanggap.

Nakatanggap naman ang bawat benepisyaryo ng P5,000.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on