WebClick Tracer

Mahigit 50 kongresista sumama kay Romualdez sa CDO

Mahigit 50 kongresista ang sumama kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Cagayan de Oro nitong Huwebes.

“Sa totoo lang, biglaan po ang ating BPSF dito sa Cagayan de Oro. Kaya nakakatuwa pa rin na mayroong mahigit sa 50 na congressman at congresswoman na pumunta dito. Dito natin nakikita at nararamdaman ang suporta ng mga mambabatas sa programa ni Pangulong Marcos Jr.,” sabi ni Romualdez.

“Dito sa BPSF, personal nating nakikita ang bunga ng ating mga ginagawang batas, kasama na ang mga programang pang-ayusa sa ating mga mamamayan. Kung dati ay nakikita lang natin ito sa papel, ngayon ay nasasaksihan natin kung paano talaga ito nakakatulong sa mga mamamayan,” dagdag pa nito.

Ayon kay House Deputy Secretary Sofonias Gabonada Jr. umabot sa 53 miyembro ng Kamara ang dumalo sa event.

Ang pinakamalaking bilang ng mga kongresista na dumalo sa BPSF ay sa Zamboanga City na umabot sa 85.

“The solidarity we see among lawmakers is the same solidarity we show in pushing for the legislative agenda of the President. Ito ang tunay na unity: pagkakaisa para sa kapakanan ng ating mga kababayan,” dagdag pa ni Romualdez.

Ang BPSF sa CDO ang ika-17 service caravan na target dahil sa 82 probinsya ng bansa. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on