WebClick Tracer

Magsasaka inatake ng sariling kalabaw, dedo

Isang magsasaka sa bayan ng Las Navas, Northern Samar ang nasawi noong Martes matapos atakihin ng kaniyang kalabaw.

Si Alvin Pagaban ay inatake ng kaniyang kalabaw habang inaalagaan ito sa isang sapa sa Brgy. Andres.

Isinugod pa ito sa rural health unit ng bayan ngunit idineklara itong dead on arrival.

Ginagamit ng nasabing magsasaka ang kaniyang kalabaw para ihatid ang kaniyang mga palay. Ang kalabaw naman ay nananatiling hawak ng pamilya ng biktima.

TELETABLOID

Follow Abante News on