WebClick Tracer

Lola namalimos para pambayad sa P180 graduation picture ng apo

Naantig ang mga netizen sa isang lola sa Bulacan dahil sa paghingi ng piso-piso sa kalsada para may maipambayad sa graduation picture ang kanyang apo.

Kuwento ni Bham Dellosa Trinidad, nanghingi sa kanya ng piso ang naturang lola at nakakuwentuhan niya.

Taga-Pandi, Bulacan daw ito at nanlilimos para sa kanyang apo.

Hindi pa raw kasi ito nakakabayad para sa graduation picture na halagang P180.

“Maya-maya umiiyak na c lola. Binawi ko ang 5 piso na binigay ko at binigyan ko sya ng higit pa sa hinihingi nya at sinamahan ko na din ng ulam para may mailuto sya pag uwi at may makain sila ng apo nya,” ani Trinidad.

“Hindi ko na napigilan ang luha ko. Naawa ako sa knya at lahat gagawin nya para sa apo nyang magtatapos na. Grabe ng pagmamahal ng isang lola sa mga apo,” dagdag niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on