WebClick Tracer

Lakers nagsimula nang maghanap ng bagong coach

Sinimulan na ng Los Angeles Lakers ang paghahanap sa susunod nilang head coach.

Ibinunyag ni Adrian Wojnarowski ng ESPN ang mga pangalan na kakausapin ng Lakers para sa nasabing posisyon.

Kabilang na rito ang assistant coach mula sa New Orleans Pelicans, Denver Nuggets, Boston Celtics, Minnesota Timberwolves at Miami Heat.

“The Lakers have secured permission to interview several assistants for head coaching job, including New Orleans’ James Borrego, Denver’s David Adelman, Boston’s Sam Cassell and Minnesota’s Micah Nori, among others.”

“The Lakers secured permission to interview Miami assistant Chris Quinn too,” dagdag pa nito.

Kamakailan lang ay pinalayas na ng Lakers si coach Darvin Ham matapos ang dalawang season.

Bukod kay Ham, tinanggal na rin ng koponan ang buong coaching staff kabilang na si Phil Handy na ilang taon na ring nasa Lakers. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on