WebClick Tracer

Jennylyn Mercado tutok sa anak nila ni Dennis Trillo

Masayang ibinahagi ng aktres na si Jennylyn Mercado na tutok siya sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang anak ni Dennis Trillo.

Sa panayam kay Jennylyn ng Cosmopolitan Philippines, ibinahagi niya ang kanyang pagiging ina.

“Ngayon ko lang ulit na-experience ‘yung nakapag-break nang medyo matagal. Masarap pa lang magpahinga. Masarap din ‘yung feeling na natututukan ko ‘yung daughter ko na simula nung newborn siya, infant siya, ngayon toddler na siya na hindi ko na-experience nung first time [with Jazz],” paglalahad ni Jennylyn.

“Ngayon happy ako na talagang natutukan ko ‘yung paglaki ng daughter ko,” wika ni Jennylyn.

Aminado rin si Jennylyn na hindi niya masyadong natutukan ang unang anak niya kay Patrick Garcia na si Jazz kaya naman bumabawi siya ngayon.

“So, excited pa rin ako kung ano pa ‘yung mga ilu-look forward ko habang lumalaki siya. Hindi ko na-experience sa firstborn ko ‘yun. So ngayon bumabawi talaga ako,” aniya pa.

Ikinuwento rin ni Jennylyn na napag-usapan nila ni Dennis na magbibigay ng maraming oras para sa pag-aalaga sa kanilang anak.

As much as possible, gusto ko, gusto naming dalawa ni Dennis, na makapagbigay talaga ng mas maraming time para sa kanila,” saad pa ng aktres. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on