WebClick Tracer

Israel pinarangalan 5 Pinoy na namatay sa Hamas attack

Binigyang-pagkilala ng Israel Embassy ang limang Pilipino sa Memorial Day commemoration ng bansa nitong Martes, Mayo 14.

Nag-alay ng panalangin at sandaling katahimikan para sa mga nasawing OFW na sina Angelyn Aguirre, Loreta Alacre, Grace Cabrera, Paul Vincent Castelvi at Filipino-Israeli soldier Sergeant Cydrick Garin sa isinagawang Yom HaZikaron o Israeli Memorial Day.

Kabilang sila sa mga namatay sa pag-atake ng Hamas noong Oktubre 2023.

“This year’s commemoration was especially poignant, as we honored not only the Israeli fallen soldiers and civilians murdered by terror organizations, but also the brave Filipino souls who have suffered the same fate,” saad ng Israel Embassy.

“We recognized the courage of the Filipino heroes murdered by Hamas, expressing our deepest sympathy with their families. Together, we prayed for peace and unity in Israel, and for an end to global antisemitism and hatred towards Israel,” dagdag pa nito.

Ito ang kauna-unahang commemoration ng Memorial and Independence Days ng Israel sa gitna ng nagpapatuloy na giyera laban sa militant Palestinian group Hamas. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on