WebClick Tracer

House panel inaprubahan retirement benefit sa Olympians

Inaprubahan ng House Committee on Youth and Sports ang panukala na magbibigay ng benepisyo sa mga retiradong Filipino Olympians.

Ayon kay Batangas Rep. Eric Buhain, vice chairperson ng komite at may-akda ng House Bill 3523, ang panukala ay isang pagkilala sa mga manlalaro na nagdala ng watawat ng bansa sa Olympics.

“The proposed law aims to rectify the situation by recognizing the retired Filipino Olympians’ exceptional service and providing essentials that benefit them. By caring, we honor their legacy and help them continue giving inspiration for future generations. In addition, we are ensuring their transition from the podium to a dignified and secure life,” sabi ni Buhain.

Si Buhain ay isang swimmer na lumahok sa 1988 Seoul Olympics at 1992 Barcelona Olympics.

Sa ilalim ng HB 3523, ang mga retiradong Olympian ay sasaklawin ng National Health Insurance Corp. ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Kung ma-o-ospital ang gastos na lagpas sa benepisyong kaloob ng OHIC ay sasagutin ng Individual Medical Assistance Program (IMAP) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang mga dating Olympians ay makatatanggap ng lifetime na buwanang pensyon na hindi bababa sa P15,000 ang halaga pagdating ng edad na 50.

Sa kanilang pagpanaw ay bibigyan naman ang maiiwan nito ng P50,000 na panggastos sa pagpapalibing.

Sa ilalim ng HB 3523 ay bibigyan din ng diskwento sa pamasahe, gamot, medical at dental consultation ang mga retiradong Olympians. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on