WebClick Tracer

Hindi pagpapaalam sa Kongreso ng palit may-ari ng Meralco sinilip

Sinilip sa Kamara de Representantes ang pagkabigo ng Manila Electric Company (Meralco) na pormal na ipaalam sa Kongreso ang pagpapalit ng may-ari nito.

Kasabay nito ay sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na dapat sagutin ng Meralco ang mga tanong kaugnay ng prangkisa at mga hakbang na ginawa nito sa ibinibigay na serbisyo sa publiko.

Sa nakaraang pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises, nagtanong si Pimentel kaugnay ng paglipat ng pagmamay-ari ng Meralco mula sa pamilya Lopez patungo sa Manuel V. Pangilinan group noong 2009.

Ayon sa kinatawan ng Meralco na si Ray Espinosa hindi na kinailangan itong ipaalam sa Kongreso dahil wala namang pagbabago sa controlling interests sa kompanya.

Sinabi ni Pimentel na ang sitwasyon ng Meralco ay katulad ng nangyari sa Sonshine Media Network Inc. (SMNI).

Ayon sa mambabatas sa ilalim ng Republic Act 11422 kailangang ipaalam ng SMNI ang pagbabago sa pagmamay-ari nito.

Naniniwala si Pimentel na dapat din itong gawin ng Meralco na nabigyan ng prangkisa sa ilalim ng RA 9209.

“That issue is exactly what I raised—if Meralco did not violate the provision of their franchise that any change in ownership they should ask prior approval from Congress,” sabi ni Pimentel.

“This violation was one of the grounds to revoke the franchise of SMNI,” dagdag pa nito. “In my opinion they have the same predicament as SMNI and they may be held liable for the violation of said provision.”

Inamin ng SMNI na mula kay Pastor Apollo Quiboloy ang pagmamay-ari sa network ay nalipat kayBro. Marlon Acobo noong 2023.

Isa ito sa mga dahilan ng ginawang pagbawi ng Kamara de Representantes sa prangkisa ng SMNI.

Kinuwestyon din ni Pimentel kung bakit pinag-uusapan na ang pag-renew sa prangkisa ng Meralco gayong sa 2028 pa ito mage-expire. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on