WebClick Tracer

Higit 80 bata nakatanggap ng polio vaccine sa Malabon City

May kabuuang 88 na bata mula sa Brgy. Catmon at Tonsuya ang tumanggap ng bakuna laban sa polio mula sa Philippine Red Cross (PRC) – Malabon Chapter noong Martes at Miyerkoles.

Nakipagtulungan ang PRC-Malabon Chapter sa pamahalaang lungsod at mga super health center sa mga barangay na ito.

Ang Oral Polio Vaccine (OPV) ay nasa ilalim ng ‘Chikiting Ligtas Campaign’ ng Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO) at United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Ito ay isang pandagdag na kampanya sa pagbabakuna sa buong bansa upang magbigay ng mga bakuna laban sa tigdas, rubella at polio.

Si PRC-Malabon Chairman Ricky Sandoval kasama ang 30 na Red Cross volunteers ay nagsagawa ng pagbabahay-bahay sa mga bata isa at kalahating buwan hanggang 23 buwan o halos dalawang taong gulang.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on