WebClick Tracer

Higit 4.2 milyong Pinoy ‘di na pwede bumoto sa 2025 elections

Mahigit 4.2 milyong Pilipinong botante ang malapit nang ma-deactivate at hindi na makakasali sa 2025 elections, ayon Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia nitong Huwebes.

Karamihan sa mga maaalis na botante o kabuuang 4,237,054, ay nabigong bumoto sa dalawang magkasunod na halalan.

Mayroon ding kabuuang 1,829 na indibidwal na hindi kasama para bumoto ayon sa utos ng korte.

Nagkaroon din ng isang “Failure to Validate” sa kabuuang 595 na botante. Tatlo ay dahil sa “Loss of Filipino Citizenship.”

Mababawasan ng kabuuang 4,239,483 na botante para sa susunod na eleksiyon.

“4.2m voters will be deactivated. Hence , deductible to the present total no. of voters of 68 [million],” saad ni Garcia sa isang pahayag.

Ang Rehiyon IVA o Calabarzon ang nagrehistro ng pinakamalaking bilang ng mga disenfranchised na botante na may 733, 903. Sinundan ito ng Rehiyon III o Central Luzon na umabot sa 503,297.

Samantala, ang Cordillera Autonomous Region (CAR) ang nagrehistro ng pinakamababang bilang ng mga disenfranchised na botante na may 69,108.

Ang Rehiyon V ang may pinakamaraming bilang ng mga botante na hindi isinama ng hukuman para bumoto na may 705.

Tatlo sa mga nawalan ng karapatan na bumoto dahil sa pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino ay mula sa Rehiyon VIII.

Ani Garcia, na-deactivate ang mga botante na ito pagkatapos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on