WebClick Tracer

Hailey Bieber ibinida baby bump

Ibinida ng model at asawa ng singer na si Justin Bieber na si Hailey Bieber ang kanyang umuumbok na tiyan.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Hailey ang kanyang mga larawan mula sa nakalipas na ilang linggo at ipinagmamalaki ang kanyang lumalaking baby bump sa isang sexy pink backless butterfly top.

“the past few weeks have been 🐣✨🤍🌴😴💤🌸🌸🌅🥹🥹🥹🥹” aniya sa kanyang caption.

Kamakailan lang ng ianunsiyo ni Hailey at ng kanyang asawang si Justin Bieber na magkakaanak na sila.

Matatandaan na nagsimulang mag-date sina Justin at Hailey noong Hunyo 2018 at nagpakasal noong Setyembre sa parehong taon. Noong 2019, ikinasal sila sa pangalawang pagkakataon. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on