WebClick Tracer

Gamot sa autoimmune tumatalab na kay Kris Aquino

Sa wakas ay umeepekto na raw kay Kris Aquino ang medications laban sa kanyang autoimmune disease.

Matatandaang nag-diagnose si Kris ng limang autoimmune diseases at nagpapagamot ngayon sa Amerika.

Ibinalita ito ni Kris sa malapit na kaibigan at entertainment journalist na si Dindo Balares, na siya namang nagbahagi ng conversation nila sa Instagram.

Anang “Queen of All Media”, epektibo sa kanya ang methotrexate, na siya niyang chemotherapy.

Masaya rin daw si Kris sa sariwang hangin sa Newport Coast sa Orange County, California kung saan siya nakatira ngayon.

Pero isiniwalat ni Kris na mayroon siyang problema sa puso at napakataas ng kanyang cholesterol at triglycerides.

“There’s a problem with my heart, Kuya Dindo — genetics. Very high cholesterol and triglycerides that at this point can’t be treated because I am underweight (91 lbs),” sabi ni Kris kay Balares.

“My BP (blood pressure) is misbehaving — I am normally 145/122 with a heart rate of 110-130. It’s the diastolic and heart rate that’s scary,” dagdag nito. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on