WebClick Tracer

Farmers Market bubuksan sa Antipolo

Ang mga magsasaka ng Antipolo ay maaari na ngayong magbenta ng kanilang mga produkto sa Sumulong Park.

Magbubukas ang Farmers Weekend Market tuwing Biyernes, Sabado at Linggo mula 7 am hanggang 7 pm sa Sumulong Park.

Sinabi ng tanggapan ni Mayor Casimiro ‘Junjun’ Ynares III na ang weekend market ay isang proyekto ng pamahalaang lungsod na naglalayong tulungan ang mga lokal na magsasaka karamihan ay mula sa mga upland village.

Ang iba pang produktong ibinebenta sa weekend market ay ang mga sariwang ani ng mani, gulay, papaya, guyabano, saging, kasoy at iba pa. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on