WebClick Tracer

EJK Sa Implementasyon Ng Duterte War On Drugs, Hihimayin Ng Kamara

Iimbestigahan ng House Committee on Human Rights ang mga napaulat na extrajudicial killings (EJK) ng ipatupad ng administrasyong Duterte ang war on drugs campaign nito.

Nangako ang chairperson ng komite na si Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. na magiging patas at may pagrespeto ang isasagawang pagdinig kasabay ng paggiit na kahit na ang mga adik ay mayroon ding karapatan.

“Why are we conducting an inquiry into the deaths of alleged drug addicts or drug dealers? First we must begin with the principle that each life is valuable, that each life lost is a profound tragedy,” sabi ni Abante.

“Second, we must point out that those who lost their lives, like every Filipino, are protected by the rights granted by the Constitution, one of which is due process… because these alleged EJK victims were silenced, they were denied their rights.”

“Now it is our responsibility to the victims of alleged extrajudicial killings––and their families––to seek the truth,” dagdag pa ng solon.

Sinabi ni Abante na pakikinggan ng kaniyang komite ang bawat panig.

“We would like to emphasize that the House will approach this inquiry with the impartiality, objectivity, sensitivity, and empathy that such a profound responsibility demands,” sabi ng solon.

Noong Miyerkoles ay nagsagawa ng briefing ang komite ni Abante kaugnay ng implementasyon ng anti-drug war ng nakaraang administrasyon.

“Our purpose here is to seek the truth, and not to pass judgment,” dagdag pa nito.

Binanggit din ni Abante ang nakasaad sa libro ng Isaiah 1:17, “Learn to do well; seek judgment, relieve the oppressed, judge the fatherless, plead for the widow.”

“These words call upon us to actively pursue justice and uphold human rights, to stand up for those who have been wronged, and to ensure that the rights of every individual are protected,” paliwanag ni Abante.

Sa Mayo 22 itinakda ang isasagawang pagdinig. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on