WebClick Tracer

Doug Kramer ‘one man glam team’ ni Kendra Kramer sa California

Hindi lang tatay ang role ng basketbolistang si Doug Kramer kundi pati videographer, photographer at ngayon hairstylist ng anak na si Kendra Kramer.

Sa Instagram ni Doug, ibinahagi niya ang “one man glam team” na ginawa niya para sa anak.

Makikita sa larawan na ibinahagi ni Doug si Kendra na komportableng nakaupo habang siya ay nakatayo sa likuran at inaayos ang buhok ng panganay.

“Photographer, videographer, stylist, dry cleaner and now hair straightening. 😂 For all I know, i curled it even more. Hahaha! No, I can’t do makeup, sorry Kenny. 😂” saad ni Doug sa caption.

“But you know, i love to serve you baby girl. Always! ❤️” sweet na dagdag pa niya.

Napuno naman ng komento ang post at sinabing “Best dad” si Doug.

Sina Doug at Kendra ay kasalukuyang nasa San Francisco, California. Ayon sa naunang post ni Doug, nandoon sila para sa pagbisita ng kanyang anak sa Pixar HQ. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on