WebClick Tracer

Dahil pasado anak sa 2024 Nursing Board Exam: Amang tricycle driver nagpalibreng sakay

Kinaantigan online ang isang amang tricycle driver na nagpa-libreng sakay matapos makapasa ang anak sa 2024 Philippine Nurses Licensure Examination (PNLE).

Sa Facebook post ng tricycle driver na si Froilan Canare Manrique, ibinahagi niya ang kanyang tricycle na may nakalagay sa loob na “LIBRENG SAKAY! Nakapasa Anak ko sa 2024 Nursing Board Exam”

“Blessing is Sharing” aniya pa sa naka-print na papel sa loob ng tricycle.

Sa isa niya pang post, ibinahagi niya ang larawan ng kanyang “unica hija” na kung saan makikita rin ang pangalan nito na pumasa sa nasabing board exam.

“CONGRATS TO MY UNICA HIJA. For passing the nursing 2024 licensure exam. [M]ay REGISTERED NURSE na ako..sulit na sulit ang paghihirap mo..mula umpisa sa pag aaral at sa pag review..” madamdaming saad ng amang trike driver.

[M]abait talaga si lord,yun hiniling natin sa manaoag..quiapo church..saint claire.at saint jude..promise po babalik kami ulit at mag papasalamat..” aniya pa.

Ipinagmalaki niya rin na nappatapos ang anak sa pamamagitan ng pagiging tricycle driver.

“[P]roud si mommy at tatay..kahit namamasada lang ng tricycle at rider..nakapagpatapos na ng nursing,” saad pa ni Manrique.

Umulan naman ng pagbati ang naturang post para sa mag-ama. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on